>

Saturday, 12 January 2013

ANGAS (part 1)

Angas?????? ANGAS (pronoun) actually it is an actual word... meaning boastful and cocky, proud, arrogant Ano nga ba ang ibig sabihin nito- kayabangan, astig, katauhang parang Robin Padilla?Kung ikukumpara ako kay Robin Padilla malayong malayo, iba si Idol Robin at iba din ako… 
Ako si Jamir,  simpleng astig, simpleng tao na may simple pangarap…………… kung baga pwedeng sumabay sa ROCK en ROLLan, at sumabay sa takbo ng buhay. Oo alam ko MAANGAS ako pero nasa lugar at nasa maayos na paraan.  Madami akong kaibigan na naangasan sa akin dahil sa kasimplehan ko, hindi ako yung tipo ng tao na makikipagsabayan sayo ng kayabangan pero makikipagsabayan ako ng kagandahan at kababaan ng kalooban.
Kung sa aspetong kakasigan MAANGAS din ako dyan pero hindi ako marunong nakikipag kumpetensya kaninuman.Pag dating naman sa pag uugali MAANGAS din ako pero hindi ako pwedeng lumebel sa mga taong may mataas ang pinag aralan pero ugaling ASKAL naman.MAANGAS ako sa pakikipagkaibigan pero hindi ako choosy papakita ko sayo ang kaangasan ko kung karapatdapat ka bilang kaibigan. Pangangalang may kaastigan ang binibigay ko sa mga nagiging kaibigan ko.Sa pagsasalita naihahalintulad ako kay papa JACK ng LOVE Radio, maangas, astig direct to the point magsalita pero hindi nangangahulugang na salamin sya ng pagkatao ko..Proud din ako o astig na masasabi sa pagharap sa araw araw na buhay.. MAANGAS ako sa pagdedesisyon sa buhay ko. PAMILYA muna bago ang lahat….
 Kung pag uusapan ay pag-ibig…..??Hmmmmmmmmmmm….Astig ako sa larangan na yan, may ka ANGASAN, lalong lalo na sa tunay na tinitibok ng puso ko.
Ako si  Jamir astig, maangas, proud.  Ang KAANGASAN dapat hindi inuugali ngunit dapat paminsan minsan sinasabuhay yan. 


ITUTULOY.....