Fishball
"Ang buhay ng tao ay parang isang mahaba at mahirap na exam...Mahirap pumasa lalo na kung hindi ka handa"
A-B-C-D
Mula sa pagpili ng letrang isasagot sa exam, sa pagpili ng kaibigan, lalong lalo na sa pagpili ng makakasama habang-buhay. Maingat at tamang desisiyon ang kailangan. Hindi pang madalian kundi pangmatagalan.
Naranasan mo na bang maging option? Yung feeling na pamasak-butas ka lang? (tangene lang diba?) Hahahaha....Mayroon ka ngang karelasyon pero nakikipaglandian pa sa ibang tao? Tapos kapag hindi nasya masaya sa kalandian niya, babalik sayo. At ikaw naman ang tanga, tatanggapin mo.
Ang hirap kasi sayo, manhid ka na, nagtatanga-tangahan ka pa. Kitang-kita na, na niloloko ka, ayaw mo pang maniwala. Hindi ka naman vulca seal na pwedeng ipasak kung saan-saan. Lalong hindi ka bubble gum na pwede niyang nguyain hanggang sa maubos ang lasa.
Ayokong maging OPTION o SECOND CHOICE. Sino ba naman ang may gusto di ba? Ang mahirap kasi sa relasyong ganito, Palagi kang aasa at mabibigo. Palagi kang masasaktan dahil sa aasa kang ikaw lang pero hindi naman pala.
Ang relasyon ay hindi katulad ng FISHBALL, na pwede mong tuhugin ng maramihan. Hindi rin ito katulad ng dalanghita na pwede mong bilhin ng per kilo. Ito ay katulad ng C2, dapat solo. Isahan, hindi maramihan. Kung gusto mo ng marami....P U T You .
Hindi ka rin carinderia na bukas para sa lahat ng pwedeng kumain. Lalong lalo na hindi ka PUBLIC TOILET na pwedeng upuan ng kung sino sino, Kung sa tingin mo ang pogi-pogi mo dahil sa dami ng babae mo o sa dami ng baklang nagkakagusto sayo. Nagkamali ka, kasi nagmumukhang kang gago. kung sa tingin mo naman ay nakakaganda ang pakikipaglaro sa mga lalaki? Nagkakamali ka kasi nagmumukhang malandi ka.
At ikaw naman....
Hindi ka pinalaki ng magulang mo para paglaruan ng kung sino-sino, Unang-una, hindi ka laruan, TAO ka! TAO!
Dapat ikaw lang. Ikaw ang First choice, ikaw ang priority.
Ikaw ay katulad ng toothbrush na hindi pwedeng ipahiram sa iba, parang underwear na hindi pwedeng ipagamit kung kani-kanino o tulad ng Tanduay Ice na hindi pwedeng i-share.
Paulit-ulit tayong nagkakamali subalit mula sa mga pagkamaling ito ay marami tayong natutunan. Kung nagkamali ka ng minsan, mayroon pang 25 letra sa alpabeto para sumubok muli. Hindi pa katapusan ng mundo. mayroong milyong-milyong lalaki at babae sa planetang ito, hindi ka mauubusan. (Maliban na lang kung gusto mong tumandang dalaga o binata)
Nakakatawa lang na palagi nating ginagamit ang salitang "IKAW LANG PROMISE!", pero hindi naman natin kayang panindigan.
Mas masarap marinig yung "ILL DO MY BEST" kesa sa salitang "PROMISE". pero hindi naman natin kayang paninindigan.
Para naman sayo na parng tutang hindi maiwan-iwan yung manloloko mong karelasyon..........
Itanong mo to sa sarili mo.......
"BAKIT KA NAGKAKANDARAPA SA TAONG TUMATAKBO PALAYO SAYO, GAYONG MARAMI NAMANG NAGKAKANDARAPA MAABUTAN KA LANG?
At para naman sayo na hindi makuntento sa isa......
(insert sim card)
with feelings!
________________________________- - - - - -_______________
2 comments:
nice story Jam....i can relate to your story....
the author is great..
....nice.. claps...
Post a Comment